Buy Viagra

Ligaya

July 13th, 2007

Dear Patient,

Cialis

Kasalukuyan kong tinitipa ang kwentong ito mula sa aking alaala. Ito ay isang pangyayaring hindi naganap kamakailan lamang, bagkus mga tatlong linggo o isang buwan na ang nakalilipas.

Hindi ko nakasanayan ang makipaghuntahan sa mga pasyente sa telepono. Pero bilang isang medical assistant, hindi na maiiwasan na ako ay mautusan ng doktor na itawag sa mga pasyente ang pagiging handa ng kani kanilang mga reseta matapos na ito ay maaprubahan.

Ang isa sa aking mga natanggap na dokumento ay pag-aari ng isang 68 anyos na lalake. Ang kaniyang reseta ay para sa "Cialis". Isa itong gamot na "pampatigas" ng mga malalambot na "alam na ninyo yon". Mayroong pagkakataon na nagbubunga ito ng mga hindi kanais nais na "side effects" kaya pinag-aaralan ng mga doktor kung pahihintulutan nga nila ang paggamit nito.

Ayon na nga, inaprubahan ng doktor ang Cialis pa ra sa kaniyang pasyente. Ako ngayon ang naatasan na magsabi sa pasyente na maari na nilang damputin ang resulta sa opisina. Sabi pa sa akin ng doktor:

"masyadong mahaba ang resulta ng Cialis, maari itong tumagal ng hanggang tatlong araw. Itanong mo sa pasyente kung gusto niya ng tumatagal ng 30 minuto"

Sa aking isipan pinipilit kong hindi tumawa, humagikgik o ngumiti. Masasabihan kasi akong unprofessional kung sasabayan ko ito ng panunudyo. Gayumpaman, sa akin ring makulit na isipan, naisalin ako ang tanong ng doktor sa ganitong paraan:

"Itanong mo sa pasyente: Gaano po bang ligaya ang kailangan mo, Lolo?"

Sa patuloy na pagtakbo ng technolohiya at medisina, patuloy nating nilalabanan ang inilaan sa atin ng tadhana. Marahil, marahil lamang, sinadya ng tadhana na palambutin na ang mga lumalambot na "pag-aari" ng mga kalalakihan. Sa huli ang tanong na akin lamang naisipan:

"Bakit kailangan natin itong panglabanan?"
"Bakit nga ba?"
"Kailangan nga ba?"

***

Credit: The image used above belongs to ePharma.md

TechnoratiTechnorati: cialis, viagra, impotence, penis, sexual issue, reproductive system, happiness, sexual pleasure, sex, gender


Site Search Tags: cialis,, viagra,, impotence,, penis,, sexual, issue,, reproductive, system,, happiness,, sexual, pleasure,, sex,, gender

Until your next follow up check up (now is your opportunity to say something).

small stethoscope

Sumasainyo,
Isagani X, MA

Feedsdeliciousimage.gif
Add to Technorati Favorites

Leave a Reply